Wika ng Saliksik
Ang wikang Filipino ay isa sa mga kayamanang ating
natanggap. Ito ang nagsisilbing tulay sa magandang ugnayan, at ito'y ginagamit
sa komunikasyon. Bilang isang mamamayan ng Pilipinas, kailangan natin ingatan
at gamitin ng wasto para narin sa mga susunod pang henerasyon.
Tuwing buwan ng
Augusto, ipinagdiriwang ang buwan ng Wika. Ang tema ngayon ay FILIPINO: Wika ng
saliksik. Sinasabi nila na ang Wikang Filipino ay mapagbagi na kung saan
maraming mga magagandang naidudulot sa baaat isa sa atin. Kaya ang mga
eskuwelahan at pamayanan ay nagkakaroon ng mga paligsahan na may koneksiyon sa
wastong paggamit ng ating sariling wika. Upang sa ganon ay mas maintindihan
natin ang magandang dulot ng tama o wastong paggamit nito. Ito'y nagpapakita ng
ating pagkamamamayan o pagmamahal sa bansa
Lagi nating ugaliing
gamitin ng husto ang ating wika. Ang wika ay isang napakahalagang kayamanan na
meron sa atin, kaya't kailangan natin itong pahalagahan. Gamitin ito ng tama at
mahalin para narin sa bawat isa sa ating mga Pilipino
references:
liryko.blogspot.com
You're good in this. What a great writer!
ReplyDelete